MAYO 23, 2024 | UPDATED: ENERO 21, 2025
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi Ako Iiwan ni Jehova”
Noong Enero 20, 2025, hinatulan ng Urupskiy District Court of the Karachayevo-Circassian Republic si Brother Aleksey Pasynkov ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Alam nating dumanas man tayo ng iba’t ibang pagsubok, puwede tayong laging manganlong kay Jehova at manatiling masaya.—Awit 5:11.
Time Line
Nobyembre 23, 2021
Inaresto ng mga awtoridad si Aleksey sa pinagtatrabahuhan niya at hinalughog ang bahay niya
Disyembre 8, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal
Marso 3, 2023
Hinalughog ang bahay niya sa ikalawang pagkakataon. Pinagtatanong sina Aleksey at Yuliya
Marso 31, 2023
Hinalughog ang bahay ng nanay at mga kapatid ni Aleksey
Oktubre 4, 2023
Pinagbawalan siyang umalis ng kanilang lugar
Disyembre 14, 2023
Nagsimula ang paglilitis

