Tagalog
UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Masaya Pa Rin ang mga Brother Kahit Idinitine
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023044/univ/art/702023044_univ_sqr_xl.jpg

Kaliwa pakanan: Sina Brother Sean Pike, Aleksandr Rumyantsev, at Eduard Sviridov

NOBYEMBRE 6, 2023 | UPDATED: DISYEMBRE 26, 2023
RUSSIA

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Masaya Pa Rin ang mga Brother Kahit Idinitine

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Masaya Pa Rin ang mga Brother Kahit Idinitine

Noong Disyembre 22, 2023, hinatulan ng Cheryomushkinskiy District Court sina Brother Sean Pike, Aleksandr Rumyantsev, at Eduard Sviridov. Sinentensiyahan si Sean ng pitong-taóng pagkabilanggo at pito’t kalahating taon naman para kay Aleksandr. Isa ito sa pinakamahahabang sentensiya mula nang ipagbawal ang gawain natin noong 2017. Sinentensiyahan si Eduard na mabilanggo nang anim na taon at anim na buwan. Silang tatlo ay nasa pretrial detention at mananatiling nakabilanggo.

Profile

Ipinapaalala sa atin ng mga halimbawa nina Sean, Aleksandr, Eduard, at ng pamilya nila na “si Jehova ay mabuti, isang moog sa panahon ng pagdurusa. Iniisip niya ang mga nanganganlong sa kaniya.”—Nahum 1:7.

Time Line

  1. Agosto 25, 2021

    Hinalughog ang mga bahay. Idinitine ang tatlong brother

  2. Agosto 27, 2021

    Inilipat sa pretrial detention sina Sean, Aleksandr, at Eduard

  3. Nobyembre 14, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

a Hindi posibleng makuha ang personal na mga komento ni Brother Pike.