DISYEMBRE 8, 2022 | UPDATED: PEBRERO 15, 2023
RUSSIA
UPDATE—BINAWASAN ANG MULTA | Kumbinsido sa Suporta ni Jehova
Noong Pebrero 13, 2023, binawasan ng Supreme Court of the Chuvash Republic ang mga multa kina Sister Nina Martynova at Zoya Pavlova mula 350,000 rubles ($4,780 U.S.) at ginawang 80,000 rubles ($1,092 U.S.). Hindi binago ang mga suspended prison sentence kina Brother Andrey Martynov at Mikhail Yermakov.
Noong Disyembre 22, 2022, hinatulan ng Alatyrskiy District Court of the Chuvash Republic sina Andrey, Nina, Zoya, at Mikhail. Pinagmulta sina Nina at Zoya ng 350,000 rubles ($4,780 U.S.). Sinentensiyahan naman ng anim-na-taóng suspended prison sentence sina Andrey at Mikhail. Hindi nila kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Gaya ng tapat nating mga kapatid na naninindigan kahit pinag-uusig, kapag kumbinsido tayo sa pag-ibig at suporta ni Jehova, puwede rin tayong maging “di-natitinag gaya ng leon” kahit may mga pagsubok.—Kawikaan 28:1.
Time Line
Hunyo 23, 2021
Hinalughog ang ilang bahay sa Alatyr
Oktubre 28, 2021
Inimbestigahan si Andrey dahil sa kasong pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon. Pinagbawalang magbiyahe
Abril 25, 2022
Opisyal na kinasuhan si Andrey. Isinama si Nina sa kaso at inakusahan ng pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon
Abril 26, 2022
Opisyal na kinasuhan si Zoya na nakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at isinama sa kaso
Abril 28, 2022
Opisyal na inakusahan si Mikhail ng pag-oorganisa sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon at isinama sa kaso
Agosto 31, 2022
Nagsimula ang paglilitis

