DISYEMBRE 11, 2024 | UPDATED: MAYO 27, 2025
RUSSIA
UPDATE—BINAWASAN ANG MGA SENTENSIYA AT PINALAYA ANG KAPATID MULA SA BILANGGUAN | “Manatiling Tapat sa Panig ni Jehova”
Noong Mayo 26, 2025, binawasan ng Kursk Regional Court ang sentensiya kay Brother Dmitriy Chauso, sa asawa niyang si Sister Oksana Chausova, at kay Brother Nikolay Kupriyanskiy pagkatapos nilang umapela. Apat na taon at anim na buwan na lang ang sentensiya kay Nikolay; isang taon at 10 buwan naman kina Dmitriy at Oksana. Dahil ikinulong na si Dmitriy bago pa ang paglilitis, natapos na niya ang sentensiya, kaya pinalaya na siya mula sa bilangguan. Nakabilanggo pa rin sina Nikolay at Oksana.
Noong Disyembre 2, 2024, hinatulan ng Leninskiy District Court of Kursk si Brother Dmitriy Chausov, ang asawa niyang si Sister Oksana Chausova, at si Brother Nikolay Kupriyanskiy. Sina Dmitriy at Oksana ay nasentensiyahang makulong nang dalawang taon at anim na buwan. Si Nikolay naman ay nasentensiyahang makulong nang anim na taon. Mula sa korte, deretso sila sa bilangguan.
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na susuportahan ni Jehova sina Dmitriy, Oksana, at Nikolay, dahil si Jehova ay hindi “magkakait ng anumang mabuti sa mga lumalakad nang tapat.”—Awit 84:11.

