Tagalog
Sister Sona Olopova, Nabigyan ng Parole at Napalaya sa Correctional Facility sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025117/univ/art/702025117_univ_sqr_xl.jpg

HULYO 17, 2025
RUSSIA

Si Sister Sona Olopova nang lumaya siya sa correctional facility. Maliit na larawan: Si Sona at ang asawa niyang si Anatoliy

Sister Sona Olopova, Nabigyan ng Parole at Napalaya sa Correctional Facility sa Russia

Sister Sona Olopova, Nabigyan ng Parole at Napalaya sa Correctional Facility sa Russia

Nabigyan ng parole si Sister Sona Olopova at napalaya noong Hulyo 7, 2025, sa correctional facility kung saan tinatapos niya ang sentensiya sa kaniya na sapilitang pagtatrabaho. Nahatulan siya noong Enero 25, 2024.

Di-bababa sa 12 Saksi ni Jehova ang nahatulan ng sapilitang pagtatrabaho mula nang ipagbawal ang gawain natin noong 2017. Ang mga hinatulan ng sapilitang pagtatrabaho ay nakabilanggo sa correctional facility, pero kailangan nilang magtrabaho sa labas ng bilangguan. Kukunin din ng gobyerno ang isang bahagi ng suweldo nila. Mabilis na nakilala si Sona na masipag at maaasahan sa trabaho, at nakatulong iyon para mapalaya siya nang maaga.

“Napakahirap mabuhay sa correctional facility,” sabi ni Sona. “May mga video camera sa lahat ng lugar, at walang lugar kung saan puwede kang mapag-isa. Pero ang pinakamahirap ay ang mawalay sa mister ko. Lagi kong sinasabi kapag natatakot ako, ‘Jehova, mangyari nawa anuman ang kalooban mo.’ Nagtitiwala ako na si Jehova na ang bahala sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin. Kaya kahit kailan, hindi ko naramdamang nag-iisa ako. Ang totoo, pakiramdam ko, buhat-buhat ako ni Jehova sa buong panahong iyon.”

Masayang-masaya tayo na magkasama nang muli si Sona at ang asawa niyang si Anatoliy. Nakakapagpatibay ding malaman na nasaan man tayo, madarama natin ang pag-ibig at pangangalaga ni Jehova.​—Awit 139:7-11.