Tagalog
Sinampahan ng Russia ng Kasong Kriminal si Dmitriy Terebilov Dahil sa Pakikipag-usap sa Kapuwa Bilanggo Tungkol sa Bibliya
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023210/univ/art/702023210_univ_sqr_xl.jpg

Si Brother Dmitriy Terebilov bago maaresto. Maliit na larawan: Si Dmitriy na nakakulong sa selda nang humarap sa korte

HULYO 12, 2023
RUSSIA

Sinampahan ng Russia ng Kasong Kriminal si Dmitriy Terebilov Dahil sa Pakikipag-usap sa Kapuwa Bilanggo Tungkol sa Bibliya

Sinampahan ng Russia ng Kasong Kriminal si Dmitriy Terebilov Dahil sa Pakikipag-usap sa Kapuwa Bilanggo Tungkol sa Bibliya

Noong Abril 20, 2023, sinampahan ng mga awtoridad sa Russia ng bagong kasong kriminal si Brother Dmitriy Terebilov, na nakabilanggo na mula pa noong Setyembre 2021 dahil sa kaniyang relihiyosong paniniwala. Mula nang ipatupad ng Korte Suprema ang pagbabawal sa gawain ng mga Saksi ni Jehova noong 2017, ito ang unang pagkakataon na sinampahan ng kasong kriminal ang isang nakakulong nang Saksi dahil sa pakikipag-usap sa kapuwa bilanggo tungkol sa Bibliya. Kung mapapatunayang may-sala si Dmitriy sa mga bagong paratang na ito, madadagdagan ng walong taon ang kasalukuyang hatol sa kaniya na tatlong-taóng pagkabilanggo.

Habang tumitindi ang pag-uusig sa Russia, lalo tayong nagtitiwala na patuloy na bibigyan ni Jehova ang ating mga kapatid ng “lakas na higit sa karaniwan.”​—2 Corinto 4:7.