Tagalog
Proud na Maging Bahagi ng “Kasaysayan ng Organisasyon”
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702022205/univ/art/702022205_univ_sqr_xl.jpg

Si Brother Ilya Olenin at ang asawa niyang si Natalya

AGOSTO 2, 2022
RUSSIA

Proud na Maging Bahagi ng “Kasaysayan ng Organisasyon”

Proud na Maging Bahagi ng “Kasaysayan ng Organisasyon”

Noong Hulyo 26, 2022, hinatulan ng Snezhinskiy City Court sa Chelyabinsk Region si Brother Ilya Olenin. Hiniling ng prosecutor na makulong si Ilya nang anim at kalahating taon. Pero nagdesisyon ang korte na pagmultahin siya ng 500,000 ruble ($8,150 U.S.).

Time Line

  1. Abril 17, 2017

    Ang taunang pagdiriwang ng Memoryal ay ginambala ng FSB. Inakusahan si Ilya ng “pagsasagawa ng gawain ng misyonero,” pero ibinasura ang kaso

  2. Nobyembre 30, 2020

    Hinalughog ang bahay

  3. Setyembre 8, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal

  4. Oktubre 27, 2021

    Hinalughog ang bahay sa ikalawang pagkakataon. Dinala para sa interogasyon at pinagbawalang magbiyahe

  5. Mayo 23, 2022

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Talagang proud tayo kay Ilya at sa lahat ng mahal nating mga kapatid na matapat na namumuhay ayon sa pangalan natin, at tumetestigo bilang mga saksi alang-alang sa dakila nating Diyos, si Jehova.—Isaias 43:10.