AGOSTO 24, 2020
RUSSIA
Posibleng Makulong sa Russia si Brother Khasan Kogut Nang Dalawang Taon, at Mahiwalay sa Asawa at Anak Niya
Iskedyul ng Paghatol
Agosto 31, 2020, a Berezovsky City Court ng Kemerovo Region
Posibleng Sentensiya
Dalawang-taóng pagkabilanggo
Profile
Khasan Kogut
Ipinanganak: 1983 (Shahrisabz, Uzbekistan)
Maikling Impormasyon: Nag-aral ng Bibliya noong mga 1995. Lumipat sa Russia noong 2004 at naging citizen nito. Nagpakasal sila ni Yekaterina noong 2010. Si Timofey, ang anak nila, ay ipinanganak noong 2012
Kaso
Noong Hulyo 2018, hinalughog ng mga pulis ang walong bahay ng mga Saksi at kinumpiska ang mga gadyet nila. Ilang buwan pagkatapos nito, ipinatawag si Brother Kogut at ang asawa niya sa istasyon ng pulis para ibalik ang mga kinumpiskang gamit. Pagdating nila doon noong Pebrero 6, 2019, inaresto si Brother Kogut. Inakusahan siya na nakikibahagi sa gawain ng isang “ekstremistang” organisasyon dahil nakisali siya sa isang relihiyosong gawain.
Pagkatapos makulong nang dalawang araw, inilagay sa house arrest si Brother Kogut. Mahigit 200 araw siyang naka-house arrest, at pinalaya noong Agosto 2019. Pagkatapos ng ilang linggo, sinimulan na ang pagdinig sa kaso niya.
Habang hinihintay ng mga kapamilya ni Brother Kogut ang sentensiya sa kaniya, alam natin na inihahagis nila ang álalahanín nila kay Jehova kasi alam nila na nagmamalasakit siya sa kanila.—1 Pedro 5:7.
a Puwedeng magbago

