Tagalog
Pinalaya si Brother Sergey Tolokonnikov mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025093/univ/art/702025093_univ_sqr_xl.jpg

HULYO 7, 2025
RUSSIA

Si Brother Sergey Tolokonnikov noong pinalaya siya mula sa bilangguan. Maliit na larawan: Si Sergey at ang asawa niyang si Mariya sa labas ng bilangguan

Pinalaya si Brother Sergey Tolokonnikov mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya si Brother Sergey Tolokonnikov mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Hunyo 27, 2025, pinalaya si Brother Sergey Tolokonnikov mula sa isang penal colony sa Russia. Sinentensiyahan siya ng limang-taóng pagkabilanggo noong Hulyo 12, 2023. Dahil sa halos tatlong-taóng pananatili ni Sergey sa pretrial detention, natapos na ngayon ang sentensiya niya.

Dahil sa pagkabilanggo, hindi sila magkasamang mag-asawa. Ipinaliwanag ni Mariya kung paano ito nakaapekto sa kanila. Sinabi niya: “Mahigit 20 taon na kaming magkasama kaya pakiramdam namin, para kaming ibon na nawalan ng isang pakpak.” Sinabi pa niya: “Kahit kailan, hindi kami iniwan ni Jehova. Talagang ipinaramdam niya sa amin na mahal niya kami at inaalagaan sa pamamagitan ng mga kapatid. Lagi silang nandiyan kapag kailangan ko sila.” Ikinuwento rin ni Mariya: “Sinabi ni Sergey na kapag nagiging mahirap o nakakatakot ang sitwasyon niya, buong-puso siyang nananalangin, nagbabasa ng Bibliya, at pagkatapos, mananalangin ulit. Kapag ginagawa niya ito, nararamdaman niyang pinapalakas siya ni Jehova, kaya nagagawa niyang maging kalmado at makapagpakita ng Kristiyanong mga katangian. Dahil dito, nakilala si Sergey sa bilangguan bilang isang lingkod ng Diyos.”

Masaya tayo dahil nagkasama na ulit sina Sergey at Mariya. Ipinapaalala sa atin ng halimbawa nila na kapag umasa tayo kay Jehova, bibigyan niya tayo ng lakas na matiis ang anumang pagsubok na mapaharap sa atin.—1 Corinto 10:13.