Tagalog
Pinalaya si Brother Aleksandr Shevchuk Mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023287/univ/art/702023287_univ_sqr_xl.jpg

Si Brother Aleksandr Shevchuk pagkalaya niya mula sa bilangguan

NOBYEMBRE 8, 2023
RUSSIA

Pinalaya si Brother Aleksandr Shevchuk Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya si Brother Aleksandr Shevchuk Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya si Brother Aleksandr Shevchuk mula sa bilangguan noong Nobyembre 3, 2023, nang matapos ang sentensiya niya. Halos limang buwan siyang nasa pretrial detention noong 2019 bago siya litisin at masentensiyahang mabilanggo noong Agosto 25, 2022.

Sinalubong ng mga kabataan si Aleksandr

Bago siya mabilanggo, sinabi ni Aleksandr kung ano ang nakatulong sa kaniya na magkaroon ng positibong kaisipan noong nililitis pa siya sa korte. Sinabi niya: “Tinatandaan ko na ang importante, makapanatili akong tapat sa Diyos at makapagpatotoo sa maraming tao, manalo man o matalo ako sa korte. Nakakatulong ’yon para mas makapagtiis ako nang masaya.”

Binanggit din ni Aleksandr na naging malaking pampatibay sa kaniya ang Awit 91 noong nasa bilangguan siya. Sa talata 15, tinitiyak ni Jehova sa tapat na mga lingkod niya: “Tatawag siya sa akin, at sasagutin ko siya. Tutulungan ko siya sa panahon ng paghihirap. Ililigtas ko siya at luluwalhatiin.”

May mga kapamilya si Aleksandr na nauna nang pinag-usig dahil sa kanilang paniniwala. Noong 1951, kasama sa halos 10,000 Saksi ni Jehova na ipinatapon sa Siberia ang mga lolo’t lola niya sa tuhod. Doon ipinanganak ang mga magulang ni Aleksandr.

Nagpapasalamat tayo sa halimbawa ni Aleksandr, ng kaniyang pamilya, at ng lahat ng pumili kay Jehova bilang tagapamahala at nanatiling tapat sa kaniya.—1 Tesalonica 1:2, 3.