Tagalog
Pinalaya Na si Sister Oksana Chausova Mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025116/univ/art/702025116_univ_sqr_xl.jpg

SETYEMBRE 3, 2025
RUSSIA

Si Sister Oksana Chausova pagkalaya niya sa bilangguan

Pinalaya Na si Sister Oksana Chausova Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Sister Oksana Chausova Mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Agosto 29, 2025, pinalaya na si Sister Oksana Chausova mula sa bilangguan sa Russia. Sinentensiyahan siya ng dalawang-taon-at-anim-na-buwang pagkabilanggo noong Disyembre 2, 2024. Pagkatapos niyang umapela, naging isang taon at 10 buwan na lang ang sentensiya sa kaniya. Dahil nakulong na siya sa pretrial detention at may panahong na-house arrest din siya, natapos na niya ang sentensiya sa kaniya.

Nahatulan din ang asawa ni Oksana na si Dmitriy sa kaparehong kaso. Nakalaya si Dmitriy noong Mayo 26, 2025. Halos dalawang taon silang hindi magkasama. At dahil sa mga restriksiyon ni Dmitriy, hindi siya puwedeng bumiyahe para salubungin si Oksana sa paglaya niya.

Si Oksana na kausap sa cellphone ang asawa niya, si Dmitriy. Hindi makabiyahe ang asawa niya para salubungin siya dahil sa mga restriksiyon

Tungkol sa naranasan nila, ganito ang sinabi ni Dmitriy: “Totoo, napakahirap nito para sa aming dalawa. Pero masaya din kaming maranasan ’to, kasi dahil dito, mas nakita namin kung gaano namin kamahal ang isa’t isa at si Jehova. Kung wala ang tulong niya, hinding-hindi namin makakayanan ’to. Ginamit ni Jehova ang mga kapatid para ibigay ang tulong na kailangan namin. At ginawa niya iyon sa hindi namin inaasahang paraan.”

Masaya tayong kasama na ulit ni Oksana ang mga mahal niya sa buhay. Nagpapasalamat din tayo na hindi iniiwan ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya at tinutulungan silang matiis ang anumang pagsubok na mapaharap sa kanila.​—2 Corinto 4:8, 9.