Tagalog
Pinalaya Na si Brother Vardan Zakaryan Mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025148/univ/art/702025148_univ_sqr_xl.jpg

OKTUBRE 20, 2025
RUSSIA

Pinalaya Na si Brother Vardan Zakaryan Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Brother Vardan Zakaryan Mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Oktubre 13, 2025, pinalaya na si Brother Vardan Zakaryan mula sa bilangguan sa Russia. Sinentensiyahan siya ng apat na taon at tatlong buwan sa bilangguan noong Marso 31, 2023. Dahil ibinilanggo na siya bago pa siya litisin at pagkatapos ay inilagay sa house arrest, natapos na niya ang sentensiya sa kaniya. Kaya pababalikin na siya sa Armenia, at makakasama na niya ulit ang pamilya niya.

Sa pagsubok na pinagdaanan ni Vardan, hindi siya nasiraan ng loob dahil umasa siya kay Jehova at sa Bibliya. Bago siya hatulan at mabilanggo, sinabi niya: “Kapag lagi mong binabasa ang Salita ng Diyos at isinasabuhay ito, makakayanan mo ang anumang problema dahil alam mong nandiyan si Jehova. Alam kong binigyan niya ako ng lakas na kinailangan ko para makapanatili akong tapat sa kabila ng pag-uusig. Lagi kong ipinapaalala sa sarili ko na wala akong dapat ikatakot, basta magtiwala lang ako kay Jehova! Hindi niya pababayaan ang mga naglilingkod sa kaniya, kahit pa nasaan sila.”

Masaya tayong pinalaya na si Vardan, at nagpapasalamat tayo dahil laging ‘makapagtitiwala kay Jehova’ ang tapat na mga lingkod Niya.​—Kawikaan 3:26.