Tagalog
Pinalaya Na si Brother Roman Mareyev Mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024239/univ/art/702024239_univ_sqr_xl.jpg

Nakapaloob na larawan: Sinalubong si Roman ng nanay niya at kapatid na babae paglaya niya mula sa bilangguan

OKTUBRE 31, 2024
RUSSIA

Pinalaya Na si Brother Roman Mareyev Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Brother Roman Mareyev Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya na si Brother Roman Mareyev noong Oktubre 25, 2024. Nahatulan siya at nasentensiyahang mabilanggo nang apat na taon at anim na buwan noong Hulyo 12, 2023. Dahil nakulong na siya nang halos dalawang taon bago pa man litisin, nakumpleto na niya ang sentensiya niya.

Noong nililitis si Roman sa korte, sinabi niya kung paano siya nakapagtiis: “Ang tunay na kaligayahan ay hindi nakadepende sa kung ano ang meron ako o kung ano ang ginagawa sa akin ng iba. Masaya ako kasi alam kong ginagawa ko ang tama at napapasaya ko ang Diyos sa mga ginagawa ko at sa pagsisikap kong isabuhay ang mga pamantayan niya. Bakit sigurado ako dito? Sinasabi sa Roma 15:13: ‘Dahil nagtitiwala kayo sa Diyos, na nagbibigay ng pag-asa, punuin nawa niya ang inyong puso ng kagalakan at kapayapaan, nang sa gayon ay mapuno kayo ng pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na espiritu.’ Masaya ako at payapa ang puso ko kahit nakakaranas ako ng kawalang-katarungan. Dahil ito sa tulong ng espiritu ng Diyos at pagpapala niya.”

Nagpapasalamat tayo na nagkasama nang muli si Roman at ang pamilya niya, at nakakapagpatibay malaman na laging ginagantimpalaan ni Jehova ang ating mga pagsisikap na manatiling tapat.—2 Cronica 15:7.