Tagalog
Pinalaya Na si Brother Konstantin Sannikov Mula sa Bilangguan sa Russia
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025135/univ/art/702025135_univ_sqr_xl.jpg

SETYEMBRE 22, 2025
RUSSIA

Si Brother Konstantin Sannikov at ang kaniyang asawang si Irina paglaya niya. Maliit na larawan: Si Konstantin habang paalis ng bilangguan

Pinalaya Na si Brother Konstantin Sannikov Mula sa Bilangguan sa Russia

Pinalaya Na si Brother Konstantin Sannikov Mula sa Bilangguan sa Russia

Noong Setyembre 10, 2025, pinalaya si Brother Konstantin Sannikov mula sa isang bilangguan sa Russia. Hinatulan siya at sinentensiyahan ng anim at kalahating taon sa bilangguan noong Pebrero 15, 2023. Dahil halos tatlong taon na siyang nakabilanggo bago pa litisin, natapos na ngayon ang kaniyang sentensiya.

Unang ikinulong si Konstantin noong Agosto 2020. Sa unang dalawa at kalahating taon, hindi pinayagan ang asawa niyang si Irina na bisitahin o tawagan si Konstantin. Puwede lang silang magsulatan. Sa isang sulat ni Konstantin para kay Irina, sinabi niya: “Alam kong lalong titibay ang pagsasama natin. Kaya huwag kang matakot. Ang kailangan lang nating gawin ay magpokus sa espirituwal.” Sabi ni Irina: “Talagang nakakapagpatibay ang pananampalataya ni Konstantin. Sa isa sa mga sulat niya, sinabi niya ang mga ginagawa niya araw-araw—nagbabasa ng Bibliya, nananalangin, at nag-eehersisyo. Sinikap din namin siyang gayahin ng mga anak namin. Dahil kay Jehova, nanatiling tapat ang buong pamilya namin sa kabila ng pagsubok na ito.”

Sinalubong si Konstantin ng mga anak niya sa labas ng bilangguan

Masaya tayo na kasama na ulit ni Konstantin ang pamilya niya. Nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil ibinibigay niya ang lakas na kailangan natin para ‘makapagtiis habang nagdurusa.’—Roma 12:12.