SETYEMBRE 21, 2023
RUSSIA
Pinalaya Na si Brother Aleksandr Nikolayev Mula sa Bilangguan sa Russia
Noong Setyembre 19, 2023, pinalaya na si Brother Aleksandr Nikolayev mula sa bilangguan sa Russia pagkatapos makulong nang halos dalawang taon. Sinalubong siya ng kaniyang mga kapananampalataya at ng asawa niyang si Yevgeniya at ng kanilang limang anak.
Noong pasimula ng 2021, hinalughog ng mga opisyal ng FSB at ng mga riot police ang bahay ng mga Nikolayev. Inaresto at ibinilanggo si Aleksandr dahil ipinapakipag-usap niya sa kaniyang pamilya at mga kaibigan ang tungkol sa Bibliya.
Bago siya maaresto, sinabi ni Aleksandr kung ano ang nakatulong sa kaniya na manatiling tapat. Sinabi niya: “Nakita ko na napakahirap mag-isip nang malinaw kapag pinairal mo ang pagkatakot sa tao at sa mga posibleng mangyari. Kaya hindi ko hinayaang makontrol ako ng takot. Nanalangin ako kay Jehova na tulungan akong lubusang magtiwala sa kaniya, at pinatibay niya ako.”
Masaya tayo na malaya na si Aleksandr at kasama na niya ang pamilya niya. Talagang “nalulugod” si Jehova sa kaniyang tapat na mga lingkod dahil sa kanilang pananampalataya at lakas ng loob kahit pinakikitunguhan sila nang di-makatarungan.—Awit 149:4.

