Tagalog
Pinalaya Na Mula sa Bilangguan si Brother Vladimir Skachidub
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025136/univ/art/702025136_univ_sqr_xl.jpg

SETYEMBRE 10, 2025
RUSSIA

Si Brother Vladimir Skachidub matapos siyang palayain mula sa bilangguan

Pinalaya Na Mula sa Bilangguan si Brother Vladimir Skachidub

Pinalaya Na Mula sa Bilangguan si Brother Vladimir Skachidub

Noong Setyembre 5, 2025, pinalaya na si Brother Vladimir Skachidub mula sa isang bilangguan sa Russia. Hinatulan siya at sinentensiyahan ng apat na taon at dalawang buwan sa bilangguan noong Oktubre 11, 2021. Dahil ikinulong na siya bago pa litisin, natapos na ngayon ang sentensiya niya.

Anim na buwan matapos siyang hatulan, inilipat ng mga awtoridad si Vladimir sa isang bilangguan sa Ryazan Region sa Russia, mga 1,200 kilometro ang layo mula sa bahay nila. Dahil dito, lalo pang naging mahirap para sa kaniyang mga kaibigan at kapamilya na dalawin siya. Pero determinado si Vladimir na manatiling positibo at makisamang mabuti sa mga kaselda niya at sa mga opisyal ng bilangguan. Mabait siya at mapagbigay. Dahil diyan, nakuha niya ang respeto ng lahat. Bago siya hatulan, sinabi ni Vladimir: “Kahit kailan, hindi ako titigil sa paglilingkod kay Jehova, gaanuman katindi ang pag-uusig na maranasan ko. Alam kong hindi iiwan ni Jehova ang mga nananatiling tapat sa kaniya. Determinado akong patuloy na magtiis nang masaya at may lakas ng loob.”

Nagpapasalamat tayo sa halimbawa ni Vladimir. Ipinapaalala nito sa atin na makakayanan natin ang anumang pagsubok dahil sa “tapat na pag-ibig at katapatan” ni Jehova.​—Awit 115:1.