Tagalog
Pinalaya Mula sa Bilangguan si Brother Aleksandr Shcherbina
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023095/univ/art/702023095_univ_sqr_xl.jpg

Si Brother Aleksandr Shcherbina pagkatapos mapalaya sa bilangguan. Nakasingit na larawan: Mga kapatid na sumasalubong kay Aleksandr

PEBRERO 28, 2023
RUSSIA

Pinalaya Mula sa Bilangguan si Brother Aleksandr Shcherbina

Pinalaya Mula sa Bilangguan si Brother Aleksandr Shcherbina

Noong Pebrero 22, 2023, pinalaya na si Brother Aleksandr Shcherbina mula sa isang Russian penal colony sa lunsod ng Rostov-on-Don. Tumagal siya nang 79 na araw sa pretrial detention at 609 na araw sa penal colony, na halos 2 taóng pagkakakulong.

Bago matapos ang paglilitis ni Aleksandr, sinabi niya na napatibay siya ng halimbawa ni Mardokeo sa Bibliya: “Hindi natakot si Mardokeo kay Haman, isang mapanganib na kaaway. Ang pinakamahalaga kay Mardokeo, manatiling tapat kay Jehova anuman ang mangyari. Nakatulong sa akin ang halimbawa niya para manatiling malakas ang loob.”

Nagpapasalamat tayo sa magandang halimbawa ni Aleksandr. Masaya tayo na makakabalik na siya sa mga kaibigan at kapamilya niya. At sa tulong ni Jehova, patuloy siyang ‘manghawakang mahigpit sa pananampalataya’.—1 Corinto 16:13.