MARSO 28, 2025
RUSSIA
Itaas na hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Oleg Katamov at Aleksey Kuznetsov
Ibabang hanay, kaliwa pakanan: Sina Brother Aleksandr Shchetinin at Aleksandr Starikov
‘Pinalalakas Tayo ng Pagkatakot kay Jehova’
Noong Marso 27, 2025, hinatulan ng Konakovo City Court of the Tver Region sina Brother Oleg Katamov, Aleksey Kuznetsov, Aleksandr Shchetinin, at Aleksandr Starikov. Sinentensiyahan ang bawat isa sa kanila na makulong nang anim na taon. Mula sa korte, dinala agad sila sa bilangguan.
Profile
Nagpapasalamat tayo sa magandang halimbawa ng mga kapatid na ito ng pananampalataya at lakas ng loob. Habang nakikita natin kung paano pinangangalagaan ni Jehova ang mga nagtitiis ng pag-uusig, ipinapaalala nito sa atin na “ang mga natatakot [kay Jehova] ay hindi nagkukulang ng anuman.”—Awit 34:9.

