Tagalog
“Parusa” ni Brother Christensen, Pinalawig Pa Nang Limang Araw Dahil sa mga Paratang
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702020320/univ/art/702020320_univ_sqr_xl.jpg

Si Brother Dennis Christensen sa isang korte habang nasa selda noong 2018

HULYO 8, 2020
RUSSIA

“Parusa” ni Brother Christensen, Pinalawig Pa Nang Limang Araw Dahil sa mga Paratang

“Parusa” ni Brother Christensen, Pinalawig Pa Nang Limang Araw Dahil sa mga Paratang

Noong Hulyo 6, 2020, si Brother Dennis Christensen ay nakaiskedyul nang palayain sa punishment cell. a Pero nang araw ding iyon, pinalawig pa nang limang araw ng Lgov prison ang pagkakabilanggo niya dahil sa bagong mga akusasyon sa paglabag niya sa mga tuntunin sa bilangguan, gaya ng pagiging late.

Sinabi ni Brother Christensen sa abogado niya na nagsisinungaling ang mga awtoridad para hadlangan ang kaniyang maagang paglaya. Noong nakalipas na isang taon, puwede na sanang mag-aplay si Brother Christensen ng maagang paglaya. Apat na beses siyang nag-aplay, pero hinahadlangan ng korte ng Lgov at ng mga opisyal sa bilangguan ang mga kahilingan niya.

Patuloy na nagkakalat ng kasinungalingan ang mga awtoridad sa Russia laban sa ating mga kapatid doon, pero alam natin na tutulungan sila ni Jehova sa pagbibigay sa kanila ng kapayapaan at ‘poprotektahan niya sila ng isang malaking kalasag.’—Awit 5:12; 119:69.

a Nabanggit sa naunang report na pagkatapos pagkalooban ng korte si Brother Christensen ng maagang paglaya, ang desisyon ay iniapela at ipinadala siya sa special punishment na selda (EPKT), na kadalasang ginagamit para sa mga nagkasala nang mabigat. Nasa gusali rin ng EPKT ang tinatawag na SHIZO, ang lugar para sa mga bilanggo na nagkasala nang di-gaanong mabigat. Pero ngayon, nasa SHIZO na siya.