MAYO 18, 2022
RUSSIA
Pag-asa sa Hinaharap ang Nakatulong sa mga Brother na Magtiis
Malapit nang ilabas ng Blagoveshchensk City Court ng Amur Region ang hatol nito sa kaso nina Brother Sergey Afanasiyev, Sergey Kardakov, a Anton Olshevskiy, Adam Svarichevskiy, at Sergey Yermilov. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kanila.
Time Line
Hulyo 20, 2018
Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay nina Brother Afanasiyev, Olshevskiy, at Svarichevskiy
Oktubre 21, 2019
Sinampahan ng kasong kriminal sina Brother Yermilov at Olshevskiy dahil sa pakikibahagi sa relihiyosong mga gawain na sinasabi ng mga opisyal na puwedeng magkaroon ng “masamang epekto sa lipunan”
Setyembre 10, 2020
Sinampahan ng kasong kriminal si Brother Svarichevskiy. Inakusahan siya ng pagsama kina Brother Olshevskiy at Yermilov sa pakikibahagi sa relihiyosong mga gawain ng isang ipinagbabawal na organisasyon
Setyembre 18, 2020
Isinama si Brother Afanasiyev sa kasong kriminal
Setyembre 24, 2020
Hinalughog ang apartment ni Brother Kardakov. Isinama sa kasong kriminal at inakusahan ng panggugulo sa kaayusan ng konstitusyon at sa seguridad ng estado dahil sa pagbabasa ng Bibliya at pananalangin sa Diyos na Jehova
Marso 12, 2021
Inakusahan din si Brother Olshevskiy ng pag-oorganisa ng ipinagbabawal na relihiyosong mga pulong at gawaing pangangaral
Oktubre 21, 2021
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Napakagandang halimbawa ng mga kapatid natin na nakapokus, hindi sa pansamantalang pag-uusig na nararanasan nila, kundi sa walang-hanggang gantimpala sa hinaharap para sa mga nagtitiwala kay Jehova.—2 Corinto 4:17, 18.

