Tagalog
“Nakikita ni Jehova ang mga Pinagdaraanan Ko”
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025019/univ/art/702025019_univ_sqr_xl.jpg

ABRIL 4, 2025
RUSSIA

Si Brother Maksim Khamatshin at ang asawa niyang si Adelina

“Nakikita ni Jehova ang mga Pinagdaraanan Ko”

“Nakikita ni Jehova ang mga Pinagdaraanan Ko”

Noong Abril 3, 2025, hinatulan ng Sovetskiy District Court of the City of Chelyabinsk si Brother Maksim Khamatshin at sinentensiyahang makulong nang anim na taon. Dinala agad siya sa bilangguan mula sa korte.

Profile

Gaya ni Maksim, nakakapagpatibay malaman na makakaasa tayo sa tapat na pag-ibig ni Jehova at na “walang hanggan ang awa niya.”—Panaghoy 3:22.