SETYEMBRE 9, 2022
RUSSIA
“Mas Masaya Pa Nga Ako Ngayon”
Malapit nang ibaba ng Sosnovoborsk City Court ng Krasnoyarsk Territory ang hatol nito sa kaso ni Brother Yuriy Yakovlev. Wala pang hinihiling ang prosecutor na parusa para sa kaniya.
Time Line
Hunyo hanggang Disyembre 2021
Pinapakinggan ng mga awtoridad ang mga tawag sa telepono ni Yuriy at minamanmanan siya
Marso 28, 2022
Sinampahan ng kasong kriminal. Pinaratangan ng pag-oorganisa ng mga pulong ng isang ekstremistang organisasyon sa pamamagitan ng videoconference. Hinalughog ng imbestigador nang walang search warrant ang bahay ni Yuriy
Marso 29, 2022
Hinalughog ng mga awtoridad ang mga bahay ng lima pang Saksi ni Jehova at ng isang lalaking kausap ni Yuriy tungkol sa Bibliya. Inaresto si Yuriy at ikinulong sa isang temporary detention center
Marso 30, 2022
Ipinadala sa pretrial detention center
Hunyo 20, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Profile
Nagtitiwala tayo na patuloy na susuportahan at palalakasin ni Jehova ang tapat na mga lingkod niya habang umaasa sila sa kaniya.—Isaias 40:31.

