ENERO 7, 2026
RUSSIA
Si Brother Dmitriy Ignatov at ang asawa niyang si Darya pagkatapos ng paglaya niya
Maagang Pinalaya si Dmitriy Ignatov sa Correctional Facility sa Russia
Nabigyan ng parole si Brother Dmitriy Ignatov at napalaya sa isang correctional facility sa Russia noong Disyembre 30, 2025. Nahatulan si Dmitriy at sinentensiyahan ng dalawang-taóng puwersahang pagtatrabaho noong Hulyo 24, 2024.
Noong panahong nasa bilangguan siya, ang puwede lang lakbayin ni Dmitriy ay mula sa correctional facility hanggang sa lugar ng trabaho niya. Nagtatrabaho siya bilang isang welder sa isang kalapít na pabrika na gumagawa ng mga refrigeration equipment.
Bago siya mahatulan, nagbahagi si Dmitriy ng isang talata sa Bibliya na nagpatibay sa kaniya: “Talagang tumagos sa puso ko ang mga salita sa Awit 34:4: ‘Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako. Iniligtas niya ako sa lahat ng kinatatakutan ko.’ Dahil sa nararanasan ko ngayong pag-uusig, nagkaroon ako ng pagkakataong suriin ang mga kinatatakutan ko at makita ang mga bagay na kailangan kong pasulungin. Paulit-ulit kong nakita kung paano namagitan si Jehova at kung paano niya ako binigyan ng kapayapaan ng isip sa panahong kailangang-kailangan ko. Lumalim ang tiwala ko kay Jehova, at lalong naging malinaw sa akin ang mga ginagawa niya para tulungan ako.”
Masaya tayong makita na magkasama na ulit si Dmitriy at ang asawa niyang si Darya. Ang kanilang halimbawa ay nagpapaalala sa atin na bibigyan tayo ni Jehova ng lakas habang hinaharap natin ang sarili nating mga pagsubok.—Awit 18:39.

