Tagalog
Hinatulan ng Korte sa Russia ang Apat na Saksi ni Jehova, Isa sa Kanila ang Ikinulong
/assets/ct/2fee4a8a5e/images/syn_placeholder_sqr.png

NOBYEMBRE 30, 2020
RUSSIA

Hinatulan ng Korte sa Russia ang Apat na Saksi ni Jehova, Isa sa Kanila ang Ikinulong

Hinatulan ng Korte sa Russia ang Apat na Saksi ni Jehova, Isa sa Kanila ang Ikinulong

Noong Nobyembre 30, 2020, hinatulan ng Pervomayskiy District Court ng lunsod ng Omsk si Brother Sergey Polyakov at ang asawa niyang si Anastasia, pati na sina Sister Gaukhar Bektemirova at Dinara Dyusekeyeva.

Tatlong taon ang sentensiya kay Brother Polyakov at ikinulong siya. Binigyan naman ang tatlong sister ng suspended prison sentence nang mula dalawang taon hanggang dalawa’t kalahating taon. At pinayagan na silang makauwi. Sa huling komento ni Brother Polyakov sa korte, lakas-loob niyang sinabi: “Inihula ni Jesus na dahil sa kaniya, ang mga tagasunod niya ay dadalhin sa harap ng mga tagapamahala at hari para magpatotoo. Batay sa sinasabi ng Bibliya, tinutupad ng korteng ito ang inihula ni Jesus para marinig ng mga hindi nakakaalam sa awtoridad ng Diyos ang tungkol dito at para magpasiya sila kung tatanggapin nila ito o hindi.”—Mateo 10:18.