HUNYO 4, 2025
RUSSIA
Si Brother Aleksandr Protasov
“Gusto Kong Manatiling Tapat kay Jehova Hanggang Wakas”
Noong Mayo 30, 2025, hinatulan ng Novocheboksarsk City Court of the Chuvash Republic si Brother Aleksandr Protasov ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi pa siya makukulong sa ngayon.
Profile
Makasisiguro tayo na paglalaanan ni Jehova si Aleksandr at ang lahat ng nagtitiwala sa Kaniya ng kakayahang magtiis hanggang sa wakas.—Mateo 24:13.

