MARSO 3, 2025
RUSSIA
Si Brother Aleksey Ovchar at ang asawa niyang si Mariya
‘Determinado Akong Tiisin ang mga Pagsubok Nang May Dignidad’
Noong Pebrero 26, 2025, hinatulan ng Petropavlovsk-Kamchatskiy City Court of the Kamchatka Territory si Brother Aleksey Ovchar at sinentensiyahan ng anim-na-taóng suspended prison sentence. Hindi niya kailangang makulong sa ngayon.
Profile
Nagpapasalamat tayo sa katapatan at pagtitiwala ni Aleksey kay Jehova. Habang nagtitiis tayo sa mga huling araw na ito, napapatibay tayo ng “magandang kinabukasan at pag-asa” na ipinapangako ni Jehova.—Jeremias 29:11.

