AGOSTO 27, 2020
RUSSIA
Desisyon sa Maagang Pagpapalaya kay Brother Dennis Christensen, Ibababa Na ng Korte
Sa Setyembre 4, 2020, ibababa ng Kursk Regional Court ang hatol nito kung papalayain o hindi si Brother Dennis Christensen. Nakabilanggo na siya mula pa noong Mayo 25, 2017. Noong Hunyo 23, 2020, nagdesisyon ang Lgov District Court na pagmultahin si Brother Christensen ng 400,000 ruble ($5,300 U.S.) bilang kapalit sa nalalabing bahagi ng anim-na-taóng sentensiya sa kaniya. Pero pagkalipas ng dalawang araw matapos ibaba ang desisyon, nagsumite ng apela ang prosecutor para mapigilan ang maagang pagpapalaya kay Brother Christensen.

