OKTUBRE 8, 2020
RUSSIA
Anim na Saksi, Hinatulang Nagkasala ng Korte sa Russia
Noong Oktubre 8, 2020, ang Zasviyazhsky District Court ng City of Ulyanovsk ay nagbaba ng hatol kina Brother Aleksandr Ganin, Khoren Khachikyan, Andrey Tabakov, at Mikhail Zelenskiy, pati na kay Sergey Mysin at sa asawa niyang si Nataliya. Sinentensiyahan sila ng probation—mula dalawang taon at anim na buwan hanggang apat na taon. Ibig sabihin, hindi kailangan na mabilanggo ngayon ng mga kapatid.

