Tagalog
‘Ang mga Halimbawa ng Pananampalataya ay Nagbibigay ng Kaluwalhatian sa Pangalan ni Jehova’
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025020/univ/art/702025020_univ_sqr_xl.jpg

HULYO 31, 2025
RUSSIA

Itaas: Valeriy Khmil, Sergey Kretov, Tatyana Morlang, at Nataliya Perekatiy

Ibaba: Aleksandr Podolin, Aleksandr Popras, Yevgeniy Reshetnikov, at Svetlana Vyrezkova

‘Ang mga Halimbawa ng Pananampalataya ay Nagbibigay ng Kaluwalhatian sa Pangalan ni Jehova’

‘Ang mga Halimbawa ng Pananampalataya ay Nagbibigay ng Kaluwalhatian sa Pangalan ni Jehova’

Noong Hulyo 28, 2025, hinatulan ng Gryazi City Court of the Lipetsk Region sina Brother Valeriy Khmil, Sergey Kretov, Aleksandr Podolin, Aleksandr Popras, at Yevgeniy Reshetnikov, at sina Sister Tatyana Morlang, Nataliya Perekatiy, at Svetlana Vyrezkova. Nagpataw ang hukuman ng mga multa mula 250,000 ruble ($3,073 U.S.) hanggang 550,000 ruble ($6,761 U.S.).

Profile

Habang nagpapatuloy ang pag-uusig sa mga kapatid natin sa Russia at Crimea, nagtitiwala tayo na patuloy silang bibigyan ni Jehova ng kanlungan sa kaniyang “walang hanggang mga bisig.”​—Deuteronomio 33:27.