DISYEMBRE 18, 2024
RUSSIA
Aleksandr Serebryakov, Nahatulang May-sala sa Ikalawang Pagkakataon at Nasentensiyahang Mabilanggo Nang Limang Taon
Noong Disyembre 13, 2024, hinatulan ng Savelovskiy District Court ng Moscow si Brother Aleksandr Serebryakov at sinentensiyahan ng limang-taóng pagkabilanggo. Nilitis na siya at hinatulan noong Agosto 8, 2022, at pinatawan ng anim-na-taóng suspended prison sentence.
Sa unang taon ng suspended prison sentence ni Aleksandr, muling ni-raid ng mga opisyal ng FSB ang bahay niya at inaresto siya. Kinabukasan, noong Setyembre 20, 2023, dinala siya ng mga awtoridad sa pretrial detention center, kung saan siya nanatili hanggang masentensiyahan siya ng pagkabilanggo.
Sa dalawang paglilitis sa kaniya bilang kriminal, kinasuhan si Aleksandr ng pag-oorganisa ng mga relihiyosong pagpupulong at gawain ng mga Saksi ni Jehova. Sa huling pahayag niya sa korte sa ikalawang paglilitis, sinabi ni Aleksandr: “Sinabi ni apostol Pablo na ‘pag-uusigin din ang lahat ng gustong mamuhay nang may makadiyos na debosyon bilang mga alagad ni Kristo Jesus.’ (2 Timoteo 3:12) Nilitis si Pablo nang di-bababa sa dalawang beses dahil sa pananampalataya niya at pananatiling tapat. Gaya niya, determinado akong patunayan ang pag-ibig ko sa Diyos. Nagpapasalamat ako kay Jehova sa pagbibigay niya sa akin ng lakas at panloob na kapayapaan at sa pagtulong niya sa akin na manatiling positibo. Kay Jehova ang lahat ng kapurihan!”
Habang patuloy nating ipinapanalangin si Aleksandr, nagtitiwala tayong laging magiging moog si Jehova ng mga nanganganlong sa kaniya.—Nahum 1:7.

