SETYEMBRE 25, 2023
ROMANIA
Nagtipon ang mga Saksing Nagsasalita ng Romany (Romania) sa Buong Europe Para sa Unang In-Person na Kombensiyon
Nagtipon ang mga kapatid na nagsasalita ng Romany (Romania) noong Setyembre 1 hanggang 3, 2023, para sa kanilang 2023 “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon. Kahit may mga kombensiyon nang ginanap sa ibang wikang Romany, ito ang unang in-person na kombensiyon sa Romany (Romania). Dinaluhan ng 1,353 katao mula sa Austria, Belgium, France, Germany, Great Britain, Italy, Moldova, at Romania ang programa sa Assembly Hall sa Turda, Romania. May 26 na nabautismuhan.
Si Brother Gage Fleegle habang ibinibigay ang huling pahayag sa kombensiyon
Si Brother Gage Fleegle, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nagbigay ng huling pahayag sa kombensiyon para sa bawat araw. Idiniin ni Brother Fleegle ang pagkakaisa na nararanasan lang ng bayan ng Diyos, at pinatibay niya ang mga nakikinig na patuloy na paglingkuran si Jehova nang may pagkakaisa at pagtitiis. Bukod sa mga dumalo sa kombensiyon sa wikang Romany (Romania), may halos 900 ding dumalo sa dalawa pang kombensiyon para sa Romanian at Romanian Sign Language na nakakonek sa huling pahayag bawat araw sa pamamagitan ng videoconference.
Masayang binabati ng mga kapatid na nagsasalita ng Romany (Romania) ang isa’t isa sa Assembly Hall sa Turda, Romania
Sinabi ng isang brother na nagsasalita ng Romany (Romania): “Hinding-hindi namin ito makakalimutan! Napakalaking pagpapala mula kay Jehova na magkaroon ng panrehiyong kombensiyon sa sariling wika namin!” Ganito naman ang sinabi ni Iraklis Exarcheas, isang tagapangasiwa ng sirkito na nagsasalita ng Romany (Romania): “Sigurado akong naantig nang husto ng kombensiyong ito ang maraming dumalo na nagsasalita ng Romany (Romania). Tinulungan kami ng programa na maunawaan na mahal na mahal ng Diyos ang lahat ng tao. Napakaganda ngang regalo mula kay Jehova!”
Masaya tayo para sa mga kapatid nating nagsasalita ng Romany (Romania) na nagtipong sama-sama para purihin si Jehova at magpaturo sa kaniya sa kombensiyong ito.—Awit 26:12.

