HULYO 5, 2019
PORTUGAL
Lisbon, Portugal—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
Petsa: Hunyo 28-30, 2019
Lokasyon: Sport Lisboa e Benfica Stadium sa Lisbon, Portugal
Wika ng Programa: English, Portuguese (Portugal), Portuguese Sign Language, Spanish
Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 63,390
Bilang ng Nabautismuhan: 451
Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,300
Mga Sangay na Imbitado: Angola, Australia, Brazil, Canada, Central America, Ghana, India, Mozambique, Senegal, Spain, United States, Venezuela
Karanasan: Isa si Mr. Santos sa mga driver ng bus para sa mga delegado. Nang imbitahan siya ng bus captain na dumalo sa kombensiyon, sinabi ni Mr. Santos: “Gusto kong dumalo. Mula nang makasama ko kayo, napakapayapa na ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon, pero kayo ang dahilan. Maghapon akong nasa istadyum, kaya dadalo ako.” Pagkatapos ng kombensiyon, sinabi ni Mr. Santos na nagustuhan niya ang programa. Nakatira siya sa isang lugar sa labas ng Lisbon. Sa kombensiyon, may nakilala siyang brother na nakatira malapit sa lugar nila. Magkikita sila ulit ng brother pag-uwi nila.
Mga kapatid na sumasalubong sa mga delegado sa airport
Mga delegadong nagdaratingan para pumasyal sa sangay sa Portugal
Si Brother Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, sa huling pahayag sa unang araw ng kombensiyon
Mga dumalo sa kombensiyon na umaawit gamit ang Portuguese sign language
Isa sa mga bago nating sister na binabautismuhan
Isang batang sister na taga-Portugal na nagpapa-picture sa tabi ng nakadispley na Caleb at Sophia
Mga delegado na inaawit ang huling kanta ng kombensiyon
Mga nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na kumakaway sa pagtatapos ng kombensiyon
Mga delegado kasama ang isang brother na tagaroon habang nagpa-public witnessing
Mga kapatid na nagpe-perform ng isang tradisyonal na sayaw para sa mga delegado
Mga kapatid na nag-perform sa evening gathering habang kumakaway sa mga mánonoód