Tagalog
Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Kabuverdianu
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702022245/univ/art/702022245_univ_sqr_xl.jpg

OKTUBRE 5, 2022
PORTUGAL

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Kabuverdianu

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Kabuverdianu

Noong Setyembre 25, 2022, ini-release ni Brother Mário Pinto de Oliveira, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Portugal, Ang Bibliya—Ang Ebanghelyo Ayon kay Mateo sa wikang Kabuverdianu. Ini-release ang aklat ng Bibliya sa elektronikong format noong espesyal na virtual meeting sa tanggapang pansangay ng Portugal sa Lisbon. Mga 3,812 ang nakapanood sa programa, via streaming, kasama na rito ang mga naka-tie in sa programa sa mga Kingdom Hall sa Cape Verde at Portugal.

Ang Kabuverdianu ay wikang Creole na base sa Portuges. Katutubong wika ito ng karamihan sa mga nakatira sa Cape Verde. Ang tanggapang pansangay sa Portugal ang nangangasiwa sa gawaing pangangaral sa Cape Verde.

Ang Kabuverdianu remote translation office sa Praia, Santiago, Cape Verde

Tungkol sa bagong salin na ito ng Bibliya, sinabi ng isang translator: “Kahit may mga aklat na ng Bibliya sa wikang Kabuverdianu, hindi ito madaling makuha. Para sa marami, ito ang kauna-unahang pagkakataon na mababasa nila ang Salita ng Diyos sa kanilang katutubong wika.”

Ganito naman ang sinabi ng isa pang translator: “Madaling basahin ang Bibliyang ito, madaling maintindihan, at gumagamit ito ng mga salitang ginagamit namin sa araw-araw. Isa itong regalo mula kay Jehova at malaking tulong ito sa pangangaral namin. Hindi na kami mahihirapang ipaliwanag ang mga salita at makakapagpokus na kami sa pag-abot ng puso ng mga tao.”

Ang pagre-release ng aklat ng Mateo sa wikang Kabuverdianu ay nagpapaalala sa atin na hindi nagtatangi ang Diyos at gusto niya na mabasa ng lahat ng naghahanap sa kaniya ang Salita niya.​—Gawa 10:34, 35.