Tagalog
Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702022219/univ/art/702022219_univ_sqr_xl.jpg

HUNYO 27, 2022
POLAND

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language

Noong Hunyo 19, 2022, ini-release ni Brother Przemysław Bobów, miyembro ng Komite ng Sangay sa Poland ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language. Tinatayang 1,000 ang nakapanood ng espesyal na programa na patiunang inirekord.

Ang bagong salin na ito, na kauna-unahang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language, ay available na sa jw.org at JW Library Sign Language app.

“Natutuwa tayo na dahil sa salin na ito ng Bibliya, mapapanood na ngayon ng mga bingi ang magagandang ulat ng Bibliya na tutulong sa kanila na maingat na sundan si Jesus at maging mas malapít sa ating maibiging Ama, si Jehova,” ang sabi ni Brother Bobów.

Ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala na ng mga video sa Polish Sign Language mula pa noong 2004. Brosyur na Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin? ang unang ini-release sa sign language. Ang unang dalawang sign-language congregation sa Poland ay naitatag noong 2006. May 13 kongregasyon na ngayon at 22 group at pregroup sa sign language sa Poland.

Mga miyembro ng Polish Sign Language translation team

Kumbinsido tayo na ang pagre-release ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Polish Sign Language ay tutulong para maisagawa ang kalooban ni Jehova na “maligtas ang lahat ng uri ng tao at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:4.