Tagalog
Sinalanta ng Pitong Sunod-sunod na Bagyo ang Pilipinas
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702024271/univ/art/702024271_univ_sqr_xl.jpg

Binahang kalsada sa Pangasinan. Maliit na larawan: Bahay na nasira ng bagyo sa Cagayan

NOBYEMBRE 27, 2024
PILIPINAS

Sinalanta ng Pitong Sunod-sunod na Bagyo ang Pilipinas

Sinalanta ng Pitong Sunod-sunod na Bagyo ang Pilipinas

Mula noong huling bahagi ng Setyembre 2024, pitong malalakas na bagyo—ang bagyong Julian, Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, at Pepito a—ang humagupit sa Pilipinas sa loob lang ng anim na linggo. Noong Nobyembre 17, 2024, tumama sa bansa ang huling bagyo, ang bagyong Pepito, dala ang hanging may bilis na mahigit 305 kilometro kada oras. Nagdulot ito ng matinding pinsala sa mga kabahayan at negosyo. Sa ilang mababang bahagi ng bansa, bumuhos ang tubig-ulan na umabot sa 20 sentimetro ang taas. Nagdulot ito ng mudslide bukod pa sa pagbaha. Dahil sa delikadong sitwasyon, daan-daang libo ang kinailangang lumikas.

Mahigit 12 milyon katao sa bansa ang naapektuhan ng mga bagyong ito. Halos 150 ang nasaktan, at di-bababa sa 160 ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

Bagyong Julian

  • Walang kapatid na namatay o nasaktan

  • 2 bahay ang nasira nang husto

  • 12 bahay ang bahagyang nasira

  • 1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Bagyong Kristine

Bagyong Leon

  • Walang kapatid na namatay o nasaktan

  • Walang Kingdom Hall na nawasak o nasira

Bagyong Marce at Nika

  • Walang kapatid na namatay o nasaktan

  • 329 na mamamahayag ang inilikas

  • 2 bahay ang nawasak

  • 14 na bahay ang nasira nang husto

  • 96 na bahay ang bahagyang nasira

  • Walang Kingdom Hall na nawasak o nasira

Bagyong Pepito at Ofel

  • Walang kapatid na namatay o nasaktan

  • 27 mamamahayag ang inilikas

  • 10 bahay ang nawasak

  • 58 bahay ang nasira nang husto

  • 102 bahay ang bahagyang nasira

  • 12 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

Mga kapatid na naghahanda ng relief supply sa isang Kingdom Hall sa Apayao

  • Pinatibay ng mga kinatawan ng sangay, tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo at nagbigay sila ng tulong

  • 20 Disaster Relief Committee ang inorganisa para pangasiwaan ang pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa buong bansa

Alam nating patuloy na papatibayin ni Jehova ang mga naapektuhan ng mapaminsalang mga bagyong ito sa Pilipinas at “pakikinggan ... ang panalangin” nila.—Awit 102:17.

a Ang mga bagyong ito ay may internasyonal na pangalang Krathon, Trami, Kong-rey, Yinxing, Toraji, Usagi, at Man-yi.