Tagalog
Sinalanta ng Bagyong Rai ang Pilipinas
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702021421/univ/art/702021421_univ_sqr_xl.jpg

DISYEMBRE 22, 2021
PILIPINAS

Sinalanta ng Bagyong Rai ang Pilipinas

Sinalanta ng Bagyong Rai ang Pilipinas

Nag-landfall ang bagyong Rai (na tinawag na Odette) sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas noong Disyembre 16 hanggang 18, 2021. Nagkaroon ito ng maximum sustained winds na 195 kilometro kada oras nang una itong mag-landfall sa Siargao Island. Nagtamo ng matinding pinsala ang mga probinsiya sa Northern Mindanao, Southern Luzon, at Visayas.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 4 na kapatid ang namatay

  • 1 kapatid ang hindi pa rin natatagpuan

  • 12 kapatid ang nasugatan

  • Mahigit 2,000 kapatid ang lumikas

  • 246 bahay ang nawasak

  • 327 bahay ang matinding napinsala

  • 1,174 bahay ang bahagyang napinsala

  • 43 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala

Relief Work

  • 6 na Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work

  • Dumadalaw ang lokal na mga elder para patibayin ang mga kapatid na naapektuhan, pati na ang mga namatayan

  • Sinusunod ng lahat ng nasa relief work ang mga tagubilin sa safety para sa COVID-19

Sa pangangasiwa ng mga elder, ang mga kapatid mula sa mga lugar na di-naapektuhan ay nag-donate ng mga pagkain at damit para sa mga kapatid na nasalanta ng bagyo. Ang mga food pack mula sa Davao City ay agad na ipinamahagi sa mga pamilyang nangangailangan sa Surigao City.

Nakakalungkot, may ilang kapatid tayo na namatay sa bagyong ito. Habang tayo ay nasa panahong ito na “mapanganib at mahirap ang kalagayan,” patuloy tayong nagtitiwala na aalalayan at papalakasin tayo ng Diyos na Jehova.—2 Timoteo 3:1.