OKTUBRE 9, 2025
PILIPINAS
Nasirang bahay ng isang brother sa San Remigio, Cebu
Niyanig ang Pilipinas ng Mapaminsalang Lindol
Noong Setyembre 30, 2025, niyanig ng lindol na may magnitude na 6.9 ang lunsod ng Bogo sa hilaga ng Cebu. Nangyari ito ilang araw pa lang mula nang salantain ng bagyo ang silangang bahagi ng bansa. Maraming bahay at kalsada ang napinsala ng malakas na lindol na ito, at naputol din ang linya ng tubig at kuryente. Ayon sa pagtaya, mahigit 100,000 residente ang naapektuhan ng lindol, kasama na ang mahigit 20,000 na kailangang lumikas. Nasa 500 ang nasaktan, at di-bababa sa 72 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Walang namatay na kapatid
4 na mamamahayag ang nasaktan
154 na mamamahayag ang lumikas
18 bahay ang nawasak
24 na bahay ang nasira nang husto
98 bahay ang bahagyang napinsala
7 Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng lindol, at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Ipinapanalangin nating patuloy na maging “kanlungan at moog” si Jehova para sa mahal nating mga kapatid sa Pilipinas habang bumabangon sila mula sa pinsala ng likas na mga sakunang ito.—Awit 91:2.

