Tagalog
Nagkaroon ng Ashfall sa Pilipinas Dahil sa Nag-aalburotong Bulkan
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702020127/univ/art/702020127_univ_sqr_xl.jpg

ENERO 20, 2020
PILIPINAS

Nagkaroon ng Ashfall sa Pilipinas Dahil sa Nag-aalburotong Bulkan

Nagkaroon ng Ashfall sa Pilipinas Dahil sa Nag-aalburotong Bulkan

Noong Enero 12, 2020, nagbuga ng abo ang bulkang Taal sa Batangas, sa Pilipinas, na umabot nang 14 kilometro sa langit. Nagbabala ang mga awtoridad sa mga nakatira malapit sa bulkan dahil sa posibleng pagputok nito. Iniutos nila na lumikas ang libo-libong nakatira malapit sa bulkan—isa sa pinakaaktibong bulkan sa bansa.

Sa ngayon, mahigit 500 kapatid ang lumikas papunta sa mga ligtas na lugar gaya ng mga Kingdom Hall at bahay ng ibang mga Saksi. Walang kapatid ang nasaktan. Bumuo ang Komite ng Sangay ng isang Disaster Relief Committee para tulungan ang mga kapatid na lumikas.

Ipinapanalangin natin ang mga kapatid natin sa Pilipinas na patuloy na magtiwala kay Jehova, “ang ating kanlungan at lakas.”—Awit 46:1-3.