Tagalog
Malawakang Pinsala na Dulot ng Bagyong Opong sa Pilipinas
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702025157/univ/art/702025157_univ_sqr_xl.jpg

OKTUBRE 6, 2025
PILIPINAS

Bahay ng isang sister sa Gahit, Cataingan, Masbate City, na winasak ng malalakas na hanging dala ng Bagyong Opong

Malawakang Pinsala na Dulot ng Bagyong Opong sa Pilipinas

Malawakang Pinsala na Dulot ng Bagyong Opong sa Pilipinas

Noong Setyembre 25, 2025, tumama ang Bagyong Opong a sa Eastern Samar. Bukod sa malalakas na ulan, may dala itong malalakas na bugso ng hangin na umaabot sa 165 kilometro bawat oras. Nagdulot ito ng mga pagbaha at pagguho ng lupa, at maraming bahay at kalsada ang napinsala. Ayon sa gobyerno, mga 2.1 milyon katao ang naapektuhan ng bagyo. At nakakalungkot, 13 sa Pilipinas ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay o nasugatan

  • 142 mamamahayag ang inilikas

  • 53 bahay ang nawasak

  • 104 na bahay ang nasira nang husto

  • 187 bahay ang bahagyang nasira

  • 1 Kingdom Hall ang nasira nang husto

  • 7 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng bagyo

  • 3 Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng relief work

Nagtitiwala tayo na patuloy na palalakasin ni Jehova ang mga kapatid natin sa Pilipinas na naapektuhan ng sakunang ito.​—Filipos 4:13.

a Ang internasyonal na pangalan ng bagyo ay Bualoi.