AGOSTO 5, 2022
PILIPINAS
Hilagang Bahagi ng Pilipinas, Niyanig ng Lindol
Noong Hulyo 27, 2022, niyanig ng magnitude 7.0 na lindol ang isla ng Luzon sa Pilipinas. Ang probinsiya ng Abra ang tinamaan nang husto. Naramdaman ang lakas ng lindol hangang sa Manila, mga 400 kilometro ang layo. Mahigit 2,000 aftershock ang naitala.
Epekto sa mga Kapatid
Walang kapatid ang namatay
4 na mamamahayag ang bahagyang nasugatan
42 pamilya ang lumikas
63 bahay ang bahagyang napinsala
1 bahay ang matinding napinsala
13 Kingdom Hall ang nasira
Relief Work
1 Disaster Relief Committee ang inatasang mangasiwa sa relief work
Pinapatibay ng mga elder doon ang mga naapektuhan nang husto ng lindol
Sinusunod ng lahat ng nasa relief work ang mga tagubilin sa safety para sa COVID-19
Nagpadala agad ng tulong ang tanggapang pansangay sa mga kapatid na nasa mga apektadong lugar at nagsaayos na mabigyan sila ng pansamantalang matitirhan. Nagtutulungan ang mga kapatid doon kahit na naapektuhan din sila ng lindol.
Nananampalataya tayo na ililigtas ni Jehova ang mga kapatid natin sa “panahon ng kagipitan.”—Awit 50:15.

