MARSO 28, 2024
NORWAY
Iaapela ng mga Saksi ni Jehova ang Desisyon ng Norway na Labag sa Konstitusyon
Noong Marso 4, 2024, kinatigan ng Oslo District Court ang desisyon ng gobyerno ng Norway na kanselahin ang legal na pagkakarehistro ng mga Saksi ni Jehova sa bansa. Iaapela ng mga Saksi ang desisyon.
Ang labas ng Oslo District Court
Kinansela ng County Governor ng Oslo at Viken ang pagkakarehistro natin noong bandang dulo ng 2022. Naglabas ng desisyon ang Oslo District Court noong Disyembre 30, 2022, na hindi muna ito ipatutupad para sa higit pang imbestigasyon. Pero ngayon, nagpasiya ang Estado na patuloy nitong ipagkakait ang legal na pagkilala sa mga Saksi ni Jehova sa Norway malibang baguhin natin ang mga patakaran natin may kaugnayan sa pag-aalis sa kongregasyon ng di-nagsisising nagkasala.
Dahil sa desisyon na kanselahin ang pagkakarehistro ng mga Saksi ni Jehova, hindi makakatanggap ang mga Saksi ng pinansiyal na tulong at iba pang benepisyo na ibinibigay ng gobyerno sa mahigit 700 nakarehistrong relihiyon sa bansa. Nawala rin ang karapatan natin na mag-atas ng mga ministro na puwedeng magkasal.
Habang hinihintay natin ang resulta ng apela, patuloy tayong mananalangin para “sa mga hari at sa lahat ng may mataas na posisyon, para patuloy tayong makapamuhay nang payapa, tahimik, . . . at may makadiyos na debosyon.”—1 Timoteo 2:1, 2.

