Tagalog
Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Romany (Macedonia)
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702023026/univ/art/702023026_univ_sqr_xl.jpg

ENERO 18, 2023
NORTH MACEDONIA

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Romany (Macedonia)

Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Wikang Romany (Macedonia)

Noong Enero 8, 2023, ini-release ni Brother Daniel Jovanovic, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa North Macedonia ang The Bible—The Good News According to Matthew sa wikang Romany (Macedonia) sa Cyrillic at Roman script.

Ini-release ang aklat ng Bibliya sa isang espesyal na programa na ginanap sa Skopje, North Macedonia. Inanyayahang mag-tie in sa JW Stream–Studio ang lahat ng kongregasyon at grupo na Romany (Macedonia) sa teritoryo ng sangay sa Central Europe. Pagkatapos i-release ang aklat ng Bibliya, puwede na itong i-download sa digital at audio format. Tumanggap din ang mga dumalo ng isang printed copy ng aklat ng Bibliya sa Cyrillic script.

May iba-ibang wikang Romany at marami rin itong mga diyalekto. a Sinimulan ng mga Saksi ni Jehova ang regular na pagsasalin ng mga publikasyon sa Romany (Macedonia) noong 2007. Ngayon, nagtatrabaho ang translation team sa tanggapang pansangay sa Skopje, kung saan makikita ang pinakamaraming taong nagsasalita ng Romany (Macedonia) sa North Macedonia.

Ang Romany (Macedonia) translation team ay nagtatrabaho sa tanggapang pansangay ng North Macedonia sa Skopje

Sinabi ng isang brother: “Nang basahin ko ang salin na ito sa sarili kong wika, para bang kinakausap ako mismo ni Jehova.”

Isang brother naman ang nagsabi: “Kapag binabasa ko ngayon ang aklat ng Bibliya na Mateo, naiintindihan ko agad ang mga sinabi ni Jesus sa mga tagapakinig niya.”

Dalangin natin na mabisang magagamit ng mga kapatid ang bagong release na ito para patuloy na ‘mangaral ng mabuting balita ng Kaharian.’—Mateo 9:35.

a Tingnan ang artikulong “Ang Roma—Sanlibong Taon ng Lungkot at Saya.”