Tagalog
Napakasaya ng Lahat sa Paglalabas ng Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika sa Nigeria
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702019131/univ/art/702019131_univ_sqr_xl.jpg

ABRIL 5, 2019
NIGERIA

Napakasaya ng Lahat sa Paglalabas ng Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika sa Nigeria

Napakasaya ng Lahat sa Paglalabas ng Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin sa Dalawang Wika sa Nigeria

Noong Enero 12, 2019, nagkaroon ng espesyal na miting ang mga kapatid sa Nigeria na ginanap sa Benin City Assembly Hall. Sa okasyong ito, inilabas ni Geoffrey Jackson, na miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nirebisang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Isoko at Yoruba. Lahat-lahat, 60,672 ang nakapakinig ng programa. Nakabrodkast ito sa 106 na Kingdom Hall at 9 na Assembly Hall sa Nigeria, pati na sa ilang lugar sa kalapít na bansang Benin.

Si Brother Jackson kasama ang isang pamilya sa Benin City Assembly Hall sa Nigeria

Iniulat ni Brother Gad Edia mula sa sangay sa Nigeria: “Inabot nang tatlong taon at dalawang buwan ang pagsasalin ng Bibliya sa Isoko, at tatlong taon at tatlong buwan naman sa Yoruba.” Bilang pagtatapos sinabi niya: “Sa Nigeria, mahigit 5,000 Saksi ang nagsasalita ng Isoko at mahigit 50,000 ang nagsasalita at nagbabasa ng Yoruba. Ayon sa isang dumalo, napakasaya ng lahat nang matanggap nila ang nirebisang mga salin. Kaya masasabi naming sulit ang mga pagsisikap para dito!”

Sa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova ay nakapagsalin na ng buong Bagong Sanlibutang Salin o bahagi nito sa 179 na wika.

Nagpapasalamat tayo na madali nang mababasa at mapag-aaralan ng mga kapatid natin ang Bibliya sa mga wikang ito.—2 Timoteo 3:17.