PEBRERO 14, 2025
NIGERIA
Ini-release ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo at ang aklat ng Marcos sa Abua, Gokana, Hausa, Khana, at Okpe
Ini-release ang mga Aklat ng Bibliya sa Pitong Wika sa Nigeria
Noong Pebrero 9, 2025, ginanap ang isang espesyal na miting sa tanggapang pansangay ng Nigeria sa Igieduma. May 1,143 dumalo in person, at 579,436 ang nakapanood sa pamamagitan ng videoconference sa mga Kingdom Hall at Assembly Hall sa buong teritoryo ng sangay.
Sa miting na iyon, ini-release ni Brother Samuel Olanrewaju, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Nigeria, ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo at ang aklat ng Marcos sa wikang Abua, Gokana, Hausa, Khana, at Okpe. Tumanggap ng isang inimprentang kopya ng aklat ng Mateo ang mga dumalo na nagsasalita ng alinman sa limang wikang ito. Ini-release din sa programa ang ilang aklat ng Hebreong Kasulatan sa Pidgin (West Africa) at Urhobo. Mada-download agad sa jw.org at sa JW Library app ang lahat ng ini-release.
Sinasalita ng mahigit 100 milyong tao sa Nigeria ang pitong wikang ito; kasama dito ang mga 95,000 kapatid natin. Tuwang-tuwa silang magkaroon ng salin ng mga aklat na ito ng Bibliya na madaling maintindihan at magagamit nila sa personal na pag-aaral, sa mga pulong sa kongregasyon, at sa ministeryo.

