PEBRERO 22, 2023
NIGERIA
Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Pidgin (West Africa) at Urhobo
Noong Pebrero 12, 2023, ini-release ni Brother Jeffrey Winder, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa mga wikang Pidgin (West Africa) at Urhobo. May 559,326 na nanood sa programa nang i-stream ito sa mga kongregasyon sa Nigeria. Pagkatapos ng release, naging available na rin ang digital format ng Bibliya. Makukuha naman ang inimprentang mga kopya sa 2023.
Naitatag ang unang kongregasyong nagsasalita ng Pidgin (West Africa) noong 2015. Mayroon na ngayong mahigit 1,100 kongregasyon sa Nigeria, at marami pang kongregasyong nagsasalita ng Pidgin (West Africa) sa ibang bansa, gaya ng England at United States. Dati, ginagamit ng mga kongregasyong ito ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa English. Sabi ng isang brother: “Dati, ang hirap mangaral sa Pidgin gamit ang English na Bibliya. Kung minsan hindi nauunawaan ng may-bahay ang binabasa mo. Pero ngayon, mangangaral na kami sa Pidgin gamit ang Bibliyang Pidgin. Dahil babasahin na namin ang Bibliya sa sariling wika ng mga tao, mas maiintindihan na nila ang mensahe natin.”
Living in Hope of a Righteous New World, ang unang buklet na isinalin sa Urhobo
Naitatag ang unang kongregasyong nagsasalita ng Urhobo noong 1933. Noong 1968, isinalin ng mga kapatid ang unang buklet sa Urhobo na Living in Hope of a Righteous New World. Mayroon na ngayong 103 kongregasyon na nagsasalita ng wikang Uhobo. Malaking tulong sa mga kongregasyon ang ini-release na Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Urhobo dahil mas madali na itong maintindihan.
Dalangin natin na makatulong pa ang mga salin na ito para “mapuno [ang iba] ng tumpak na kaalaman” tungkol sa Diyos.—Colosas 1:9.

