SETYEMBRE 15, 2023
MYANMAR
Ini-release ang Aklat ng Mateo sa Chin (Hakha) at Mizo
Sa dalawang magkasunod na dulo ng sanlinggo, ini-release ng mga miyembro ng Komite ng Sangay sa Myanmar ang aklat na Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo sa dalawang lokal na wika. Noong Setyembre 3, 2023, ini-release ito ni Brother Sai Hlua sa wikang Chin (Hakha). Noong Setyembre 10 naman, ini-release ito ni Brother Clifton Ludlow sa wikang Mizo.
Chin (Hakha)
Ipinatalastas ang release sa isang espesyal na programa na inirekord at ipinadala sa mga kongregasyong nagsasalita ng Chin (Hakha) sa Myanmar gamit ang JW Box. Lahat-lahat, 397 ang nakapanood ng programa sa iba’t ibang Kingdom Hall sa buong Myanmar. Pagkatapos ng programa, ipinamahagi ang inimprentang mga kopya sa mga dumalo. Makukuha rin ang release sa digital at audio format.
Karamihan ng mga nagsasalita ng Chin (Hakha) ay nakatira sa Chin Hills sa hilagang-kanluran ng Myanmar. Mahigit 200,000 katao ang nagsasalita ng Chin (Hakha) sa buong mundo. Mahigit 220 mamamahayag sa Myanmar ang naglilingkod sa limang kongregasyon at isang group na nagsasalita ng Chin (Hakha). Mayroon ding isang kongregasyon at isang group sa United States.
Sinabi ng isang brother: “Excited na ’kong gamitin sa ministeryo ’tong bagong salin ng Mateo kasi madali itong maiintindihan ng lahat ng nagsasalita ng Chin (Hakha).”
Mizo
Patiunang inirekord ang programa na nagpapatalastas ng release at ipinalabas ito sa dalawang Kingdom Hall sa Myanmar. Pagkatapos ng pahayag, tumanggap ng inimprentang mga kopya ang 173 na dumalo at naging available din ito sa digital at audio format.
Ang Mizo, na dating tinatawag na Lushei, ay sinasalita sa Bangladesh, Myanmar, at sa estado ng India na Mizoram. Sa buong mundo, mga 1.3 milyon katao ang nagsasalita nito. Mga 250 mamamahayag ang naglilingkod ngayon sa limang kongregasyon sa Myanmar at India na nagsasalita ng Mizo.
Noon, ang mga translation team ng Chin (Hakha) at Mizo ay nasa isang remote translation office (RTO) sa paanan ng Chin Hills. Noong Abril 2021, dahil sa gera sibil, napilitan silang umalis doon. Lumipat na sila sa bagong-tayong RTO sa Yangon, na mga 4.5 kilometro ang layo sa tanggapang pansangay ng Myanmar.
Masaya tayo para sa ating mga kapatid na nagsasalita ng Chin (Hakha) at Mizo at sa marami pang iba na makakabasa na ngayon ng “maluwalhating mabuting balita tungkol sa Kristo” sa kanilang sariling wika.—2 Corinto 4:4.

