OKTUBRE 22, 2025
MEXICO
Mga bahay at sasakyang lumubog sa baha sa Poza Rica, Veracruz, Mexico
Lumubog sa Baha ang Gitnang Mexico
Mula Oktubre 6 hanggang 9, 2025, dalawang bagyo ang nagdala ng malakas na ulan sa ilang estado sa gitnang Mexico. Dahil dito, bumaha at nagka-landslide sa malaking bahagi ng rehiyon. Halimbawa, sa estado ng Veracruz, umapaw ang Cazones River at nalubog sa mahigit 3.5-metrong baha ang ilang bahagi ng kalapit na lunsod ng Poza Rica. Dahil dito, libo-libong bahay, paaralan, ospital, at mga negosyo sa ilang estado ang nasira o lubusang nawasak. Daang-libong residente ang nawalan ng kuryente, signal, at iba pang pangunahing serbisyo. Iniulat ng mga awtoridad na mga 75 katao pa ang nawawala, at di-bababa sa 66 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Nakakalungkot, isang 65-taóng-gulang na sister ang namatay dahil sa pagbaha
16 na mamamahayag ang nawawala
531 mamamahayag ang lumikas
4 na bahay ang nawasak
100 bahay ang nasira nang husto
146 na bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira nang husto
5 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief Work
Pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga kapatid na naapektuhan ng sakuna at nagbigay din sila ng praktikal na tulong
Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work
Talagang ikinalulungkot natin ang pagkamatay ng ating sister at ng marami pang iba, kaya sabik na tayong matupad ang pangako ng Diyos na lahat ng tao ay “mamumuhay nang panatag at hindi matatakot sa anumang kapahamakan.”—Kawikaan 1:33.

