SETYEMBRE 13, 2023
MEXICO
Ini-release sa Low German ang Unang Apat na Aklat ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan
Noong Agosto 25, 2023, ini-release ni Brother Robert Batko, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, ang unang apat na aklat ng Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Low German. Ini-release ito sa unang araw ng “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon sa Low German sa Cuauhtémoc, Chihuahua, Mexico, na dinaluhan ng 355 katao. Makukuha agad ang apat na Ebanghelyo sa electronic at audio format. Bukod diyan, namahagi ng inimprentang kopya ng Ang Bibliya—Mabuting Balita Ayon kay Mateo. Iimprentahin ang natitirang tatlong Ebanghelyo kapag ini-release na ang buong Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Low German. Ang Low German ay sinasalita sa buong North at South America, at marami ang gumagamit ng wikang ito sa Mexico.
Ang Low German remote translation office sa Cuauhtémoc, Chihuahua, Mexico
Nakatulong agad sa maraming tao ang bagong saling ito. “Walang mga panipi o quotation mark ang Bibliya na ginagamit namin, kaya mahirap malaman kung sino ang nagsasalita at sino ang kausap,” ang sabi ng isang brother. “Di-hamak na mas madaling maintindihan ang saling ito.”
Nakikisaya tayo sa ating mga kapatid na nagsasalita ng Low German, at sigurado tayo na sa tulong ng saling ito, marami pa ang ‘magkakaroon ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.’—1 Timoteo 2:3, 4.

