Tagalog
Kristiyanong Griegong Kasulatan, Inilabas sa Wikang Kisi
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/702021037/univ/art/702021037_univ_sqr_xl.jpg

PEBRERO 11, 2021
LIBERIA

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Inilabas sa Wikang Kisi

Kristiyanong Griegong Kasulatan, Inilabas sa Wikang Kisi

Noong Pebrero 7, 2021, inilabas ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Kisi. Ginawa ang pagsasalin sa loob ng isa at kalahating taon.

Si Brother Joseph Mensah, miyembro ng Komite ng Sangay sa Liberia, ang naglabas ng Bibliya sa isang nakarekord na programa.

Mula sa sangay sa Central Europe, ipinadala ang nakaimprentang mga kopya ng Bibliya sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone. Ipinamahagi ang mga ito sa mga 1,200 Saksi na nagsasalita ng Kisi habang sinusunod ang mga safety protocol para sa COVID-19.

Isang team na binubuo ng tatlong translator ang nagtulong-tulong sa proyekto. Sinabi ng isa sa kanila: “Matutuwa ang mga kapatid na nagsasalita ng Kisi sa pagbabasa ng Bibliyang ito kasi madali itong maintindihan. Makakatulong ito para malaman ng mga nagsasalita ng Kisi ang katotohanan.”

Sinabi ng isa pang translator: “Mahal tayo ni Jehova kaya iniregalo niya ang Bibliyang ito sa akin at sa lahat ng nagsasalita ng Kisi.”

Alam natin na makakatulong ang Bibliyang ito para ang mga kapatid natin ay patuloy na maging mga tagapakinig at tagatupad ng salita ng Diyos.—Santiago 1:22.