Mahahalagang Pangyayari sa Kyrgyzstan
HUNYO 29, 2015—Inamyendahan ng gobyerno ang batas nito tungkol sa paglilingkod sa militar at sinimulan ang programang alternative civilian service na hindi kontrolado ng militar para sa mga tumatangging maglingkod sa militar dahil sa konsensiya
SETYEMBRE 4, 2014—Nagdesisyon ang Constitutional Chamber of Supreme Court at sinabing labag sa batas ang ilang bahagi ng 2008 Religion Law
ENERO-ABRIL 2014—Binaligtad ang desisyon sa mga kasong kriminal laban sa mga Saksi na tumangging maglingkod sa militar dahil sa konsensiya
NOBYEMBRE 19, 2013—Nagdesisyon ang Constitutional Chamber of Supreme Court at sinabing labag sa batas ang umiiral na programang alternative service
DISYEMBRE 31, 2008—Nagkabisa ang bagong batas sa relihiyon
ABRIL 30, 1998—Legal na kinilala sa Kyrgyzstan ang mga Saksi ni Jehova
AGOSTO 31, 1991—Ang Kyrgyzstan ay naging isang malayang bansa
1956—Unang ulat ng gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Kyrgyzstan

